Ghost/Horror Stories
- Bakit gusto kong nanonood/nagbabasa/nakikinig ng mga nakakatakot na kwento?
Nakakaaliw eh. Lalo na kung may nag-kukwento sa’yo tas ini-imagine mo ‘yung mismong pangyayari at ‘yung mga taong andun sa kwento. Wala pa kasi akong na-experience na katatakutan tulad ng mga naririnig/nababasa/napapanood natin. Pero hindi ko hiniling na makakita man o makaranas dahil hindi ko ‘yun kakayanin. Maswerte ang ibang tao tulad ko, hindi nakabukas ang third eye. Hindi kagaya ng iba, may kakilala akong nakapagsabing meron ‘yung kaibigan niya. Ilang beses na rin siyang nakikita at sabing nasanay na siya. At hanggang ngayon, nagbabasa-basa pa rin ako ng mga nakakatakot na kwento, Philippine Ghost Stories na nabibili ko noon sa National Book Stores. Mga napapanood ko nun, tulad ng Nginiig ng Abs-Cbn host nun si Raymond Bagatsing at ‘Wag Kukurap ng GMA na ang host si Dingdong Dantes. Nakikinig-kinig sa kwento ng iba, tulad ng mga kwento ni Leejay na hindi ko naman pinaniniwalaan. Loljk. Kaya oo! Mahilig akong sa mga nakakatakot na kwento.
- Bakit ayaw kong nanonood/nagbabasa/nakikinig ng mga nakakatakot na kwento?
Ang ayaw ko lang sa mga ganito, tumatatak sa isipan ko. Parang ayaw akong lubayan ng mga imahinasyon ko, kaya kapag gabi na’t nag-iisa na ko sa kwarto. Anu-ano ng naiisip ko, feeling ko may kasama ako. Feeling ko may naka-tingin sa’kin. Buti na lang, hindi ako binabangungot. ‘Yung iba kasi, kapag nakapanood o nakabasa ng mga kwentong ganito, sinasabi nilang napapanaginipan nila ‘to. Kaya oo, matatakutin ako.