Kapag ang dalawang magka-relasyon ay nag-away:
- “Kung ayaw niya kong i-text, edi ‘wag!” Pero tingin ka ng tingin sa cellphone mo.
- Sasabihan mo siyang, “Ayaw ko na sa’yo!!!” Pero deep inside, gustong-gusto mo, kaya ka nagpapalambing sakanya.
- “Huwag muna tayong magkita!” Pero namimiss mo siya.
- “Ayaw kitang kausapin!” Pero hindi ka makaka-tiis ikaw pa din ang unang kakausap sa kanya.
- Sasabihan mo siya na, “Matutulog na ko!” Pero nagpupuyat ka, kasi hinihintay mo pa din ‘yung text o tawag niya.
- “Bahala ka nga sa buhay mo!” Ows, di nga?
- “Break na nga tayo!” Deep inside, nagpapapigil ka.
- I hate you-I hate you ka pa dyan, ang totoo nyan, “I love you.”
Ganyan talaga ang mga magka-relasyon. Hindi matiis ang isa’t-isa. Aba syempre, mas mahal niyo ang taong ‘to kesa sa pride mo. Ang maganda pa dito, mas lalo niyong minamahal ang isa’t-isa at mas lalong tumitibay ang relasyon niyo…
Malabong relasyon.
- Away dito. Away doon. Wala ng nangyaring maganda sa araw-araw na magkasama at sa tuwing magka-usap kayo. Normal lang naman sa isang relasyon ang mag-away, ngunit ang paulit-ulit na lang na dahilan ng pag-aaway o araw-araw na lang, natural o normal pa din ba? Parang hindi na… ‘Yung isa, nagrereklamo ng pagod at sawa na siya sa pag-aaway niyo. ‘Yung isa, pinipilit pang ayusin ang gusot na meron ang relasyon niyo. Nadadaan naman sa mabuting usapan ang gan’to, kaya’t kung galit ang isa, ‘wag sanang sabayan nung isa.
- “Wala na kaming spark.” Tanong sa taong nakakaranasan ng malabong relasyon. Siguro, dapat natin panatilihin ang tinatawag nilang ‘spark’ sa relasyon. Dahil kung meron pa kayo nito, kahit nagtagal na kayo, hindi mawawala ‘yung kilig at ‘yung love na naramdaman niyo nung naguumpisa pa lang kayo. Gawin niyo ‘yung mga dating ginagawa niyo, ipaalala sa isa’t-isa na kahit sa sobrang dami ng ng napag-daanan niyo at hinarap niyong problema’t pagsubok, eh andyan pa rin ‘yung pagmamahal niyo at mangako ka na hindi ‘yun magbabago.
- Just always keep in touch. Importante ang communication. Asahan mo ng hindi talaga mag-wwork ‘yang relasyon niyo kung wala ito. Papano niyo masasabihan na miss at mahal niyo na isa’t-isa kung wala kayong communication? Papano niyo mapaguusapan ang mga bagay na dapat ayusin sa inyong dalawa? Lahat ng tao may oras para sa taong mahal nila, ‘yun nga lang, may pagkakataon talaga na nambabalewala sila.
- Na-in love siya sa iba. Ang madalas na dahilan kung bakit may dalawang taong naghihiwayal. Dahil may lumandi at may nagpalandi. Dahilan kung bakit naffall out of love ang karelasyon mo. Nanlalamig siya sa’yo at hindi na siya tulad ng dati. Hindi na niya ginagawa ang mga bagay na ginagawa niya noon sa’yo. Pinagaaksayahan niya ang ibang bagay pero hindi ka niya mabigyan ng konting oras man lang. Kapag nalaman mong in love na siya sa iba, tanggapin mo na na katapusan mo na…
Sabi nga, ang malabong relasyon daw ay parang pagho-holding hands. Pilit mong hinahawakan ng mahigpit ang kamay niya, habang siya pala hinihintay nalang na bumitaw ka.
Kapag nararamdaman mo ng magwawakas ang relasyon niyo:
Anu-ano nga ba ang mga gawain o bagay para malaman natin na nalalapit ng magtapos ang relasyon niyo?
- Hindi na kayo tulad ng dati.
- Lagi na lang kayo away. Maraming oras sa pag-aaway, kesa sa pagbabati.
- Nagkakasakitan na kayo.
- Nagpapalitan na ng masasakit na salita.
- Hindi niyo iniisip ang nararamdaman niyo.
- Maraming panahon sa pag-iyak, kesa sa pag-ngiti.
- Sobrang natitiis niyo na ang isa’t-isa.
- Hindi mo na inaabangan mga text niya./Hindi na niya inaabangan mga text mo.
- Hindi ka/siya na nakakaramdaman ng kasiyahan tuwing magkasama kayo.
- Hindi ka na na-eexcite kung mag-text man siya sa’yo./Hindi na siya na-eexcite kung mag-text ka man sa kanya.
- Wala ng kilig, wala na ‘yung spark.
- Nag-I-I love you-han dahil lang nakasanayan na lang.
- Kapag hindi ka/siya na masaya.
Lahat ng relasyon nararanasan ang mga gan’tong bagay. ‘Yung tipong nakaka-boring na ang relasyon niyo, kaya’t humahantong sa paghihiwalay, dahil ang isa nagsawa na. ‘Yung isa sumuko at umayaw na. Hindi lahat ng nagmamahal, nagiging masaya. Bawat istorya, may katapusan. Ikaw, siya, kayo lamang ang makaka-ayos ng relasyon niyo. Iba’t-ibang dahilan man, kung gusto niyong magtagal, ibalik niyo ‘yung dating kayo. Sabi nga sa linya ng isang pelikula: “Kung kaya pang ayusin, pipilitin. But if this is what both of you need, then just be strong! Magiging mahirap at masakit pero hopefully, all the pain will be worth it.”
Tinext mo siya ng “I love you.”
Papano na lang kung ang reply niya ganito?
- “Salamat!”
- “:D, :-), :], :)”
- “Haha.” Isipin mo na lang na masaya siya sa sinabi mo.
- “Okay.”
- “I love myself too.”
- “Ahhh.”
- Minsan *blank message* na lang eh.
- Pinakamasaklap, walang reply.
Oo, masakit. Pero ganyan talaga ang mga bagay-bagay sa mundo. ‘Wag kang masyadong papadala sa emosyon mo kaya lumalala masyado ang expectations mo. Hindi natin mapipilit ang isang tao na mahalin tayo pabalik. Ganun na din sa pagpilit mo sa kanyang mag-reply. Parang pag-tetext lang ‘yang pagmamahal mo sa kanya eh, kung wala siyang load, ibig sabihin nun hindi ka niya mahal. Kaya sa iba mo na lang i-text ang mga salitang ‘yan… Baka sa susunod, hindi lang “I love you too” kundi, “I love you more” pa ang ma-receive mo.
Pasukan nanaman!
- Matutulog na ng maaga. Maaga na din gigising.
- Bawal ng magpuyat. Dahil kapag estudyante ka, sleep is all you need.
- ‘Yun nga lang, pahirapan sa paggising!
- May baon nanaman! Sa wakas!
- Makikita mo na mga friends/dating classmates mo.
- Bagong bag, sapatos at school supplies.
- Makikita mo nanaman ‘yung schoolmate mo sa kabilang section na kinaasaran mo.
- Naks, bagong uniform. Ang puti ng polo/blouse mo!
- Makakakilala ka ng mga bagong kakaibiganin.
- Makikita mo na si crush!
- Hahanap ka ng maganda/gwapong kaklase.
- Asahan mo ng mauubos papel mo, dahil hingi ng hingi mga kaklase mo.
- Mababawasan oras mo kaka-Tumblr/Facebook/Twitter.
- Sasabihan mo nanaman ‘yang sarili mo ng, “Mag-aaral na ko ng maayos.” Ilang beses mo na ba sinabi ‘yan?
- Makaka-gala ka nanaman.
- Ilang araw na lang, hindi na mouse hawak mo, kundi ballpen o lapis na.
- Hindi na computer katapat mo, kundi libro na.
- Ang pangit ng sulat mo nyan. Feeling mo hindi ka na marunong.
- Sana may cute na makatabi.
- Tinatamad ka pa din!
- Wini-wish mo na sana, bumagyo.
- Wini-wish mo na sana, bakasyon na lang ulit…
Sana pwedeng i-extend ang bakasyon…
Wala kang karapatan… Hindi naman kayo.
- May karapatan kang magselos. Nagmahal ka lang.
- Pwede kang umiyak ng dahil sa kanya.
- Pwede mo siyang ipaglaban.
- Pwede kang mag-assume.
- Pwede kang mag-feeling.
- May karapatan kang kiligin.
- Pwede mo siyang gawing inspirasyon mo.
- Pwede mo siyang makasama.
- Pwede kang magsabi ng mga problema at sikreto mo sa kanya.
- Pwede mo siyang mahalin.
Pero hindi ka pwedeng magalit. Hindi ka pwedeng manumbat sa kanya. Hindi mo siya pwedeng angkinin. Hindi mo dapat siya tinanong tulad ng, “Ba’t hindi mo ko tinetext?, Saan ka ba nagpunta kagabi?, Sino-sino nanaman bang mga kasama mo?” Hindi mo siya pwedeng pilitin na mahalin ka. Hindi pwedeng isisi mo ang lahat sa kanya kung bakit ka nagkaganyan. Hindi ka pwedeng mag-demand. Hindi ka pwedeng humingi ng oras niya para lang ilaan niya ‘to sa’yo. Wala kang karapatan gawin ‘yun. Bakit? Hindi naman kayo… Wala namang kayo. Hindi ka niya pag-aari. Hindi mo siya pag-aari.
Break-up excuses:
- “I need space.”
- “Sawang-sawa na ko.”
- “Pagod na ako.”
- “Magkaiba tayo.”
- “In love ako sa best friend mo.”
- “Wala lang. Basta! Naramdaman ko lang na ayaw ko na…”
- “It’s not you. It’s me.”
- “You deserve someone better. Hindi ako ang someone na ‘yun!”
- “Kailangan kong mag-focus sa studies ko.”
- “Kaibigan lang pala talaga ang turing ko sa’yo.”
- “Wala na tayong spark.”
- “We’re not growing anymore.”
- “Wala na kong feelings para sa’yo.”
- “Na-realize kong mas gusto ko palang maging single.”
- “Makakahanap ka din ng iba.”
- “Hindi boto sa’yo si mama.”
- “Pupunta na kong ibang bansa at hindi na ko kailanman babalik pa.”
- “Mahal ko pa pala EX ko.”
- “Don’t worry, kung tayo… TAYO TALAGA.”
- “Diba sabi nila, kung mahal mo, pakawalan mo.”
- “Ang bata mo pala masyado para sa akin.”
- “Hindi tayo compatible.”
- “Nalilito na ko! I need some time to think!”
- “You’re too good enough for me!”
- “We had the right love at the wrong time.”
- “Friends naman din tayo diba?”
- “Akala ko mahal kita… Akala lang pala.”
- “Hindi ‘to ang tamang panahon at oras sa ating dalawa!”
- “Lasing lang ako kagabi.”
- “Langit ka. Lupa ako.”
Pero ang totoo, ayaw niya na sa’yo o ayaw niya lang talaga sa’yo. Hindi ka niya mahal o hindi ka na niya mahal. Ganyan ang tao, minsan hindi nila kayang diretchahin ‘yung gusto nilang sabihin…
Kapag single ka…
- Maraming time sa family.
- Bestfriend si Facebook at Twitter.
- Babad sa internet.
- Walang pinoproblema.
- Nganga sa bahay.
- Nagpapa-gwapo/Nagpapa-ganda, para maka-attract ng iba.
- Living young, wild, and free!
- Stalk ng stalk ng mga profile.
- Imagine ng imagine.
- Walang inaalala. Walang iniintindi.
- Ang galing mag-payo sa iba.
- Dry ang lips!
- Mahilig kumain!
- Wala kang taga-bawal.
- Nagagawa mo ang lahat.
- GM ng GM.
- Madalas, wala ng load dahil sa wala ng makakatext.
- Kung saan saan nalang nakakalat yung cellphone.
- Boring na ang pag-tetext.
- Puro gala with friends.
- Madalas magpuyat.
- Mayaman sa crush.
Kapag single ka, masaya pa din dapat… Diba?
|