Most beautiful rose on land...


The little girl in me still wants to be a Disney princess.


i
c
u
K
R

Ang tibay ng isang relasyon ay hindi nasusukat sa tagal o saan sila nagsimula. Nasusukat yan, sa tiwala sa isa’t-isa.

  • Para sa mga babae.

Matuto kayong magtiwala sa mga boyfriend niyo. Kung palagi na lang kayong nagdududa o naghihinala sa kanya, hindi malabong mangyari ‘yung mga ‘yun. Habang may care pa siya sa’yo, malamang mahal na mahal ka niyang talaga. Mabahala ka na kung bigla mo ng nafeel na binabalewala ka na niya. Pero hindi naman siguro dahil may iba na siya kaya siya nagkaganyan. Dahil na rin sa sobrang kawalan mo ng tiwala at paghihinala sa kanya eh nawalan na siya ng gana sa’yo. Habang maaga pa, pagusapan kung anumang problema meron kayo.

  • Para sa mga lalaki.

Minsan, kayo rin ang dahilan kung bakit nawawalan ng tiwala sa inyo ang mga girlfriend niyo eh. Lahat ng pinapakita niyo, para sa mga girlfriend niyo may meaning ‘yun. Hindi lang basta-basta sa kanila ‘yun. Ganyan talaga ang mga babae. Dapat alam niyo ‘yan kasi kayo rin mismo ay ganyan rin minsan. ‘Wag na ‘wag mong hahayaan mawalan sa’yo ng tiwala ang girlfriend mo. Dahil pwedeng maging dahilan ‘yan para mawala na siya sa’yo. At kung sakaling nawala nang tuluyan ang tiwala niya, gawin mo parin ang lahat para bumalik siya sa’yo. Ang mga babae, kahit maliit na bagay lang basta nagpapakilig sa kanya, bibigay rin ‘yan. Kahit para sa’yo wala lang, sakanila malaking bagay na ‘yun, na-appreciate na nila ‘yun. Kaya kung nasa sitwasyon kang tulad nito. Aba, simulan mo na siyang ligawan ulit…

3 years ago | J | 177 notes