Most beautiful rose on land...


The little girl in me still wants to be a Disney princess.


i
c
u
K
R

May mga taong maswerte at blessed dahil nakahanap na. At meron din naman malakas ang paniniwala, na darating din ‘yung para sakanila.

Sa mga taong maswerte at nakahanap na, ang masasabi ko lang eh ingatan mo siya. ‘Wag mong basta-basta na lang papakawalan. Iilan sa mga kaibigan mo naiinggit dahil meron taong andyan para sa’yo, minamahal ka at naipagmamalaki ka. Naiinggit sila dahil nakahanap ka ng taong magpapasaya sa’yo. Masarap magkaroon ng taong ‘di napapagod sa’yo at nagsasawang intindihan ka. Hinihiling na sana meron din siyang relasyon tulad ng iyo. ‘Wag mo siyang iiwan ha? Sabi kasi sa dyarong nabasa ko kanina, ‘yung mga taong nasa relasyon, once na iniwan niya ang taong nagmamahal sakanya ng tunay, magiging malas forever… Syempre, joke lang ‘yun.

At para sa mga taong naghihintay, umaasa at naghahanap pa? ‘Wag kang sumuko. Tulad din ng mga taong swerte sa pag-ibig, minsan din nilang naranasan ang dinaranas mo ngayon. Hintay ka lang…

1 year ago | J | 80 notes
Tagged as: #diary