Most beautiful rose on land...


The little girl in me still wants to be a Disney princess.


i
c
u
K
R

Isa sa mahirap na sitwasyon sa relasyon, eh ‘yung magka-away kayo ng taong mahal mo.

Eh kaya lang ‘di naman ‘to maiiwasan. Kaya lang, nakakalungkot isipin na kung gaano niyo kamahal ang isa’t-isa, ganun din kung papaano kayo mag-away dalawa.

  • Pataasan ng pride.
  • 'Di mag-uusap ng ilang araw.
  • Nagtitiisan.
  • Walang pansinan.
  • Patigasan ng ulo.
  • Pataasan pa ng boses.

Eh ganun talaga sa relasyon. Lahat dumadaan sa gan’to. Hindi puro happy-happy, kilig-kilig lang. Minsan, isa din ‘to kung ba’t kayo mas lalong tumitibay, ‘wag nga lang araw-arawin ang gan’to. Dahil nakakapagod ‘yun… Nakakasawa.

Maliit na bagay pinapalaki. Matutong kayong umintindi at magbigay. Ba’t ‘di niyo na lang isipin ‘yung mga masasayang bagay na nagyari sa inyo? Ba’t ‘di mo isipin ‘yang feelings mo para sa kanya? Hindi ba’t sobra mo siyang mahal? Ang pag-aaway, minsan nauuwi sa hiwalayan. Kaya mo bang tanggapin na dahil lang sa isang bagay, mawawala ang mga masasaya ninyong alaala? Pahalagan ang relasyon niyo. 

Eh kung kaya pang ayusin, pipilitin. Hindi naman din kayo mag-on para mag-away na lang lagi, sinasayang niyo lang ‘yung mga panahon na dapat masaya kayo parehas.

1 year ago | J | 101 notes