Most beautiful rose on land...


The little girl in me still wants to be a Disney princess.


i
c
u
K
R

Kapag ‘yung boyfriend mo ganito…

  • Pinagyayabang ka. Matik na ‘yun na pinagmamalaki ka niya sa iba. ‘Yung kulang na lang ipagsigawan sa buong mundo na, “Hoy kayo! Girlfriend ko ‘tong magandang ‘to!”
  • Pagiging gentleman. Makikita mo ‘yan kapag kakain kayo sa labas. Hihilain niya ‘yung upuan para sa’yo. Ganun din kapag sa pagsakay ng jeep, “O babe, una ka.” Pati na rin sa pagbaba sa jeep, mauuna siya at aalalayan ka niyang bumaba.
  • 'Yung nililibre ka. Minsan, dumating sa punto nating mga girlfriend 'yung nahihiya na tayo sa kanya dahil baka maubos pera niya kakalibre sa'yo, gayong alam naman niyang may pera ka. May mga lalaki kasing ayaw pag-gastusin ang girlfriend nila.
  • 'Di siya sumasabay sa init ng ulo mo. 'Yung tipong alam niyang wala ka sa mood, susuyuin ka niya at papatawanin hanggang mawala 'yang init ng ulo mo. 'Yung iintindihin ka kapag meron ka.
  • Kapag pinakilala ka niya sa mga kamag-anak niya. The best na feeling ‘to sa mga girlfriend dahil dito mo malalan na talagang mahal ka niya.
  • Palagi kang pinapakilig. ‘Yung kahit alam mong lumang banat na, basta ‘pag siya ang bumanat, hindi mo mapigilang mapa-ngiti at kumilig.
  • Stick-to-one. Hindi siya nagpapatukso sa mga babaeng kung sino-sinong lumalapit sa kanya. Dahil para sakanya, marami mang ibang babae ang makita niya, ang puso niya sa’yo pa din. ‘Yung tipong suplada siya sa ibang girls, pero sa’yo, napakalambing niya.
  • Kinikilala ‘yung mga taong malalapit sa’yo. Mga kaibigan mo, mga kaklase mo. 
  • Di sumusuko. May mga bagay o problema din kasi ‘yung pagdadaan. Pero imbes na iwan ka niya, hindi siya nagsasawang umiisip ng paraan para magka-ayos kayo. Para sa kanya, mas importane ka kaysa sa pinag-aawayan niyo.
  • Kapag ma-effort siya. Ito ang pinaka-gusto ng mga babae sa isang lalaki. Ito din ‘yung dahilan kung bakit tumatagal ang isang relasyon eh. “Effort” kung bakit mas minamahal ka niya.
  • Kapag kaibigan mo din siya. Wala ng tatalo pa sa lalaking ipinaparamdam sa’yo na hindi mo lang siya boyfriend, kundi bestfriend na rin.
1 year ago | J | 167 notes