Tahimik lang pero nasasaktan na.
‘Yung tipong napaka-saya ng taong ‘to, sinuman ang makasama at saan man siya mapunta, ‘yung ngiti niyang umaabot hanggang tenga. Pero hindi natin napapansin na sa likod ng mga ngiting ‘yun, tinatago niya ang sakit na nararamdaman niya. Aaminin ko, may times na gan’to ako. Hindi naman ako madalas masaktan, pero kapag nasaktan ako, bigla ko na lang nasasabing, “Okay lang…”, kahit hindi naman talaga.
Ang hilig nating magpanggap. Ang hilig nating magtago ng nararamdaman, kaya ‘yung ibang taong importante tayo sa kanila, nababalewala natin ng hindi nalalaman. Tulad na lang ng mga kaibigan natin. Paano nila tayo madadamayan at mapapayuhan kung sa bawat oras, pinapakita mong matapang ka? Kung lagi mong sinasabing okay na okay ka? Kung lagi kang gan’to, ‘wag mo ng ipagtaka kung isang araw, walang dadamay sa’yo dahil nasanay silang ganyan ka. Okay lang na ipakitang nasasaktan ka na, okay lang umiyak. Parte ng buhay ‘yan, parte ng pagiging in love ‘yan. Hindi ka matututong magmahal kung hindi mo naranasan masaktan. Kung pwede nga lang masabi sa taong nagiging dahilan ng ‘yan no? “Tama na… Please? Masakit na.” Sana rin ganun kadali magsabi ng gan’to. Masayahin akong tao, pero kapag nasaktan ako… Nanahimik na lang ako.