“Paano ka pumuti?”
Tanong ng mga taong nakakita sa mga pictures ko nung high school: Tignan mo! Sa totoo lang, morena/kayumanggi ako. Umitim lang ako lalo, dahil high school lang ako, bata pa ko dyan, mahilig mag-bilad sa araw. Hindi ako nag-iinarte sa tuwing nagbababad ako sa init ng araw. ‘Di tulad ngayon, kapag may araw, magdadala ako ng payong. O kaya’y tatakbo at sisilong. Kaya sa mga sumasabing maganda lang ako dahil maputi ako, ayan! Maitim ako dati pero nasisimplehan pa rin ‘yung ibang tao sa’kin no! Pero dahil bata lang ako nun, hindi ko kinakailangang maging maganda sa tingin ng ibang tao. Pero syempre, nag-dalaga na, kahit pa-konti lang, kailangang mag-ayos. Sumisinta na syempre! Naalala ko tuloy ‘yung sabi sa’kin, “Para kang ugly duckling na naging beautiful swan…” Nakakatuwa nameeen.
Papano nga ba ko pumuti? Hindi ko nga alam eh. Basta nung na-conscious na ko sa balat ko, ayaw ko ng nabibilad sa araw. Ang masa-suggest ko lang na dapat niyong gamitin ay:
- Whitening cream for the face.
- Whitening lotion for the body.
Tulad ng Vaseline, Olay, Ponds o kahit ano pang beauty products ‘yan na alam mong hiyang sa balat mo. Pero kung hindi, tigil na. Maaring ma-irritate lang ang balat mo kung ganun. Pero kung effective, tuloy-tuloy lang ang paggamit, to achieve that fairer and smooth skin… Ibang feeling kaya kapag sinabihan kang, “Uy! Pumuti ka!”