Para sa taong minamahal ko ngayon…
Hindi ko alam kung papano ko uumpisahan ‘tong sulat na ‘to para sa’yo. Pero gusto kong malaman mo, masaya ako. Masaya ako sa meron tayo ngayon, pero nasasaktan ako kapag naiisip kong “mag-kaibigan lang” pala tayo. Gusto kong umaamin, gusto kong malaman mo. Ngunit wala ako sa lugar para sabihin ‘tong mga kasulat na ‘to para sa’yo. May iba kang minamahal at eto ako ngayon, parang nagiging kontra-bida sa love story niyo. Ayaw ko rin namang maka-gulo, kahit na sabi ng iba na magtigil ako at umiwas na ako. Ang hirap. Gusto kong sundin ang gusto ng puso ko! Ang tigas ng ulo ko kahit alam kong mali ang lahat ng ‘to, eto pa rin ako, hindi mo alam na umaasa sa’yo…
Minsan rin kitang tinanong what if mahulog ako sa’yo. Gusto ko mang maniwalang, sasaluhin mo ako. Pero parang malabo… Gusto kong magtiwala, natatakot lang ako. Dahil alam ko masasaktan lang ako. Ayan nanaman ako. Gulong-gulo at nalilito. Ni hindi alam ang gagawin. Hindi alam kung ano ang dapat isipin. Mali bang mahalin ka? Dalawa lang naman eh, if I should go for it o iwasan ka na. ‘Yun nga lang hindi ko kaya, dahil sa puntong ‘to, masaya ako na nakakausap kita. Masaya ako na kaibigan kita, pero gusto kong malaman mo na magiging masaya ako lalo kapag nagkaroon ng “TAYO”. Hangga’t kaya ko, pipigilan kong ‘wag sumobra ‘tong nararamdaman ko sa’yo. Eto lang ang alam ko, mahal na ata kita… Sana mahalin mo rin ako. Sana ako siya. Sana ako na lang…