❒ Single ❒ Taken ✔ In-love pero single
Isa sa mga pinaka-masaklap na relationship status na alam ko. ‘Yung tipong alam mong ganyan ka, mapapa-“haay” ka na lang ng kay haba-haba. Nakakalungot man and at the same time, ito ang nagbibigay kasiyahan sa buhay mo diba? Hindi porke single ang isang tao, wala na siyang mahal o kaya’y hindi na siya masaya. Dun kayo nagkakamali. Lahat ng tao, anumang relationship status ‘yan, dapat masaya, kailangan masaya! Nasa kanila na lang ‘yung kung eenjoyin mo kung anong meron ka ngayon. You have to be happy, even if you’re single or not.
Single man ang isang tao, hindi ibig sabihin nun hindi siya in-love. Maraming sitwasyon sa buhay pagdating sa pag-ibig. Maaaring in-love ka, pero single ka kasi…
- Hinihintay mo siya.
- Hindi mo pa maamin sa kanya ang nararamdaman mo.
- Torpe ka.
- Pakipot ka.
- Hindi ka gusto ng taong mahal mo.
- May syota siya!
Pero syempre, hindi porke in love at single ka, mapapalitan mo kaagad-agad ‘yang love status mo. Humanap ka ng taong babago dyan. ‘Yung taong magpapa-realize sa’yong hindi ka dapat single. Pero kung hanggang dyan ka lang talaga, siguro kailangan mo pang enjoyin ‘yung mga araw na wala kang pinoproblema o iniintindi, dahil napakalaki ng pagkaka-iba ng pagiging single at in a relationship. Kaya dapat maging masaya ka kahit na ba single ka. Mabuhay ang mga single na in-love!
*misskatrinarose shouting: MABUHAY! -hay! -hay! -hay!*