Single, but happy. 

Nakakalungkot daw ang maging single. Walang nagsasabing, “I love you,” o “I miss you” sa’yo. Wala ka ring sinasabihan na ganun. Wala kang ka-hug o kasamang maglakad sa mall o sa park na magka-holding hands pa. Walang nagaalala sa’yo, walang ka-text magdamagan. Walang lumalambing sa’yo. Hindi mo nararanasan ang anniversary o monthsary. Wala kang ka-date! Wala kang binibigyan ng rose & chocolates o kaya’y hindi ka nakakatanggap ng ganito. Walang kasama kapag Valentine’s day, magiging malamig ang Pasko mo. In short: Hindi daw masaya maging single!!!

Dapat isipin mo rin ‘to, hindi ka gumagasta ng pera mo, kasi wala kang date, wala kang pagbibilhan ng teddy bear o bulaklak. Nakakatipid ka pa, dahil hindi ka nagloload. Kung magloload ka, aber sinong makakatext mo? Kapatid mo? Wala kang iniisip kung ano bang magandang bagay ang ibigay o pwedeng isupresa sa kanya sa tuwing birthday, monthsary o anniversary ninyo. Hindi ka napupuyat kakaisip sa kanya. Wala kang hinihintay na text, kung itetext ka nga ba niya talaga o hindi. Walang problema! Wala kang kaaway. Walang umiiyak! Walang broken hearted! Walang emo! Walang nagmu-move on!!!

Bakit ka nga ba single? NSSB? As in, No-Syota-Since-Birth? Kung ganun man, mag-enjoy ka na lang sa status mong ganyan. Don’t be sad just because you can’t have a partner in your life. Ako na nagsasabi, kapag na-experience mong magka-syota at nasaktan ka? Mas gugustuhin mo pang bumalik sa pagiging NSSB. Eto pa, naiwanan ka ba? O niloko ka? Mag-move on ka, ‘wag kang humanap agad ng iba. Minsan, kailangan mo ring enjoyin ang pagiging single mo. Magmahal ka kapag alam mo na sa sarili mong handang-handa ka ng sa panibagong yugto ng buhay mo. Be happy with your acquaintances. Kailangan mong maging masaya kahit wala kang karelasyon. Every ending has a new beginning. Kaya habang malaya ka, ‘wag kang maghanap kundi ikaw ay maghintay. Marami rin kasing tao humahanap through text or through online. ‘Wag kang magmadali. Tulad ng sabi ng iba, kusa itong darating. Minsan kasi, kapag hinanap mo, mas lalo ‘tong lumalayo sa’yo. Don’t find love. Let love find you.

Kaya kung single ka? Don’t be sad! ‘Wag kang ma-inggit! Sa ngayon, maging masaya ka at gawin mo lahat ng magpapasaya sa’yo. Hindi mo alam, sa susunod ikaw naman ang masaya’t may karelasyon at kasakasama tuwing may espesyal na araw. Nalalapit na kasi ang Valentine’s Day eh! Kaya sa mga tulad kong single, ipagmalaki mo na, you’re single…. BUT HAPPY!



  1. iamyourabigael reblogged this from misskatrinarose
  2. wagaaskungmagmahal reblogged this from misskatrinarose
  3. simpleyayay reblogged this from misskatrinarose
  4. isaakongbipolar reblogged this from misskatrinarose
  5. missteenforeveryoung reblogged this from misskatrinarose
  6. lorviiavila reblogged this from misskatrinarose
  7. butterflykissesforyou reblogged this from misskatrinarose
  8. insincereworld reblogged this from misskatrinarose
  9. chocoyeytistrowberiie reblogged this from misskatrinarose
  10. ohreallywhydontyoutumbling reblogged this from misskatrinarose
  11. asupelabet reblogged this from misskatrinarose