Hindi naman requirement ang pagkakaroon ng ka-date sa Valentine’s day.
Ang daming nagre-reklamong ‘single’ na wala silang ka-date sa araw na ‘to. Panigurado puno din sila ng bitterness sa araw na ‘to. Hindi naman ‘to holiday para ipagdiwang mo ng bongga. Kasi tulad ng pasko o bagong taon, maari mo ring ipagdiwang ‘to na kasa-kasama ang pamilya at mga kaibigan mo. Araw ng mga puso, ika nga nila. Malamang, hindi lang naman sa mag-karelasyon ang pag-iibigan kundi pati na rin sa mga malalapit na tao sa’ting buhay.
Oo nga’t nakaka-lungkot mag-isa, pero asahan mong may taong ipaparamdam sa’yo na araw-araw eh Valentine’s day. ‘Yung taong gagawing espeyal ang bawat araw mo na kasama siya. Ang daming pwedeng gawin sa araw tulad nito eh. Ayain mo ‘yung best friend mo na manonood ng bagong pelikula. O kaya mga kapatid mo, kaibigan, pamilya mo, pagplanuhan niyong magpalitan ng mga regalo tulad ng ginagawa niyo tuwing pasko. O diba? May matatanggap kang bulaklak at mga tsokolate. Darating din ‘yung araw na may makaka-date ka na sa araw ng mga puso. Hindi lang naman sa araw na ‘yun, kundi sa araw-araw na gugustuhin mo. Siguro nga hindi pa nakikita ni Mr. Kupido ‘yung taong dapat niyang ikapareha sa’yo. Kaya ‘wag kang magmadali, sabay niya rin kayong papanain nung Mr./Ms. Right mo…