Nelheenxolic…
In short, “Siesie”. Oha, ako lang tumatawag ng ganyan sa kanya. Sino ba ‘tong si Nelheenxolic na ‘to sa buhay ko? Papano ko siya nakilala? Papano ko siya naging kaibigan?
Kung hindi ako nagkakamali, last month! At ang nakakatuwa sa kanya, biglang pinaala niya sa’kin nung isang gabi, “Mag-one month na tayong mag-kaibigan!” Ganito ‘yan… Finallow niya blog ko, familiar ‘yung url at ng nag-view ako ng blog, nasabi ko, “Aba! Ito ‘yung babaeng kasama ni Rois(iamtaguro) sa mga gifs.” Akala ko nga mag-boyfriend-girlfriend sila dalawa, mag-pinsan pala. Syempre, follow back agad. Nakakaaliw rin naman kasi ang blog niya lalo na ‘yung mga gifs niya. Akala ko nga masungit eh. Akala ko suplada. Akala ko mataray. Aba’y hindi naman pala! Ang kulit lang niya, ang kalog pa. Nag-umpisa lang naman lahat ang friendship namin sa isang TA niya lang. At nagtuloy-tuloy na hanggang napunta sa text ang aming mga chikkahan. Umaabot pa nga din sa Twitter eh! Beauty secrets, love life, kahit ano pa ‘yan napag-uusapan namin. Nakakatuwa siyang kaibigan, kaya nasabi kong… “Ay, gusto ko ng maging best friend ang babaeng tulad niya.”
Isa lang naman ang gusto ko ngayong nakilala na kita eh. Sana makita kitaaaaaa! I love you siesie!!!!!!!!!! ♥