“Masaya pa ba ko?” 

Tanong na hindi mo malaman kung anong isasagot. Lalo na kung hindi mo alam ang gagawin at gulong-gulo ka sa relasyong meron kayo. Kailan ba natin dapat tanungin ang sarili natin kung masaya pa nga ba tayo? Siguro kapag wala ng magandang nangyayari sa relasyon niyo, kung wala ka ng pagmamahal sa taong ‘yun, kung hindi na nagwo-work out ‘yung relationship niyo. Hindi lang naman sa relationship eh. Maaring sa trabaho, sa buhay. Pero lahat tayo eh kailangan ng kasiyahan para maranasanan natin ang mabuhay ng walang pinagsisisihan at para makuha nating ngumiti sa kabila ng hirap o lungkot na pinagdadaanan natin. Kaya minsan, asahan mo na ang kaakibat ng labis na saya eh may kalungkutan rin.

Hirap? Kalungkutan? Kabiguan? ‘Yun lang naman ang mga tanging dahilan kung bakit minsan eh natatanong natin sa sarili nating, “Masaya pa ba ako?” Feeling kasi natin nag-iisa tayo, ‘yung bang lahat ng problema pasan ng buong daigdig mo. Sa pag-ibig, relasyon, trabaho o sa buhay man ‘yan… Ang payo ko lang, sundin mo ang gustong sabihin ng puso mo. Pero ‘wag mo ring kalimutang mag-isip ng tama. Dahil kapag sinunod mo ang tama, tiyak kasiyahan ang ang mararanasan mo. Gawin mo ang mga bagay na alam mong ika-eenjoy mo. Kilalanin mo at alamin mo kung ano ba talaga ang kagustuhan ng iyong sarili. Tayo kasi, mahilig tayong magpanggap! Mahilig magtago ng nararamdaman. Nagkukunwaring masaya, ngunit nalulungkot naman pala. Tayo lang naman kasi ang makakaalam kung ano nga bang mga bagay o gawain ang makakapagpasaya sa atin eh. May times na nalilito tayo o naguguluhan sa mga bagay-bagay. Sa relasyon na lang, tinanong mo kung masaya ka pa, ngunit hindi ka pa handa na mawala siya ng tuluyan sa’yo. Naguguluhan tayo kung pagmamahal pa ba ‘yun o tanging awa na lang ang nararamdaman mo. Sa trabaho, papano na lang kung bibigay ka, what if wala kang makitang kapalit sa trabahong iiwan mo. Ganyan ‘yun eh… Kaya kapag tinanong mo sa sarili mo ‘to, malamang, naguguluhan ka lamang. ‘Yan kasi eh! Kaya hindi natin maramdaman ang tunay na kaligayahan. Naduduwag sa maaring mangyari matapos mong i-give up ang lahat. Bumigay o iwanan mo na ang isang bagay, kung alam mong hindi ka na talaga pinapasaya nito. Kesa naman ipagpatuloy mo, magiging dahilan pa ‘yun ng kalungkutan mo. 

Marunong rin tayong makuntento sa bagay na meron tayo ngayon. Nagiging mapaghangad kasi tayo kaya nakakalimutan natin na may nagpapasaya naman sa atin, ngunit binabalewala lang natin. Iniisip natin na may kulang pa pero hindi natin alam na sobra-sobra na pala. Isa pa, bago tayo tumanggap ng bagay o kahit ano pa ‘yan, tanungin mo rin ang sarili mo kung mapapasaya ka ba nito? Sigurado ka na ba nito? Para naman maiwasan mong magtanong ng, “Masaya pa ba ko?” Kaya ‘wag kang mag-desisyon ng basta-basta. Hangga’t kaya mo, pag-isipan mo ‘yan kahit na maka-sampung beses pa. Minsan kasi baka napipilitan lang tayo o dahil sunod ka lang sa gusto ng iba. Tanggapin mo ang isang bagay dahil alam mong ito ang magpapasaya sa’yo, gawin ang mga bagay na ikatutuwa mo. Do what makes you happy ‘cause life is too short to waste your time being unhappy…



  1. funfabfreak reblogged this from misskatrinarose
  2. simpleyayay reblogged this from misskatrinarose
  3. ganglatina reblogged this from misskatrinarose
  4. calitheia reblogged this from misskatrinarose
  5. unfoldednotes reblogged this from misskatrinarose
  6. icantbeyourbatgirlanymore reblogged this from misskatrinarose
  7. tatangkaddinako reblogged this from misskatrinarose
  8. nikoleeeng reblogged this from claudetteeeee
  9. dragmetotheouterspace reblogged this from misskatrinarose
  10. viiiameyzing reblogged this from misskatrinarose
  11. isaakongbipolar reblogged this from misskatrinarose
  12. yours-endlessly reblogged this from misskatrinarose