Kung pwede lang no? Ang selos, kasama na dito ang panghihinala at pagdududa. Materyal na bagay man ‘yan o sa naturang tao, kapag nagselos ka, mapapatanong ka na lang sa sarili mong, “Mahal niya ba talaga ako?”, “Ako lang ba?” “Sa’kin nga lang ba ang oras niya?” Ang selos ay parang karamdamang hindi mo alam paano gagamutin. Papano nga ba ‘to maiiwasan? Dahil minsan, ang pagseselos ang nagiging dahilan ng pagkakalabuan niyo at pag-aaway ng madalas.
Magtiwala ka! Para saan pa ang isang relasyon kung wala kang tiwala sa partner mo? Kung parate kang nagdududa sa kanya, malamang, iiwanan ka rin niyan! Maiirita siya sa ugaling mong ganyan, Ang problema kasi sa’tin puro hinala, wala namang pwerba. Bago ka magselos alamin mo muna, siguraduhin mong may nakita ka ngang bagay na dapat ikaselos mo.
“Ako lang ang mahal niya!” ‘Yan ang itatak mo sa kokote mo. Dahil kung palagi kang nag-iisip ng mga bagay tulad ng, “May iba na kaya siya?”, “Sino kaya ‘yung walanghyang babaeng/lalaking lumalandi sa syota ko?” Kapag nalaman mo, dumarating sa puntong ikinukumpara mo na sa sarili mo sa taong ‘yun. Kakainin ka ng sariling insecurities mo. Dahil maiisip mo na baka may mas hihigit sa’yo. Pero mali eh. Ba’t ka niya pinili kung may mas hihigit sa’yo?
Ang pagseselos, eh natural lang ‘yan. Malamang, eh may nararamdaman ka sa taong ‘yun. Walang taong hindi nagseselos, lalo na’t kung hindi ka na niya nabibigyan ng halaga. Pero hindi tamang magselos ka kahit anong bagay man ‘yan o dahil sa may na-misunderstood ka. Ang pagseselos, dinadaan sa lugar. ‘Wag kang mag-selos dahil lang sa simpleng bagay. Oo, nakakatuwang malaman na nagseselos ang isang tao dahil sa kadahilang ayaw ka lang niyang maniwala. Pero sana naman maniwala ka kapag sinabi niyang, “Ikaw lang talaga..”