Pogi points ba kamo?
Anu-ano nga bang ang mga papogi points ng mga lalaki para mapa-kilig, mapa-attract o mapa-sagot ang mga babae? Dagdag pogi points kapag:
- Uy! May sports car siya!
- Naks, ganda ng porma.
- Dinadala ka sa mga mamahaling resto.
- Laging may bigay na flowers or chocolates?
- Ang bango niya.
- Kapag sinusundo at hinahatid ka araw-araw.
- Marunong sumayaw.
- Marunong kumanta, tas nagigitara pa!
- Matalino.
- Magaling mag-drive?
- Kapag matangka siya?
- Funny.
- ‘Yung smile?
At kung ano-ano pang pogi points na ikaka-turn on nating mga babae. Pero hindi ba pwedeng ugali na lang ang pansinin at ‘yun ang pang-pogi points niyo lalaki? Kaming mga girls hanap namin, hindi man perpekto pero matino. Para sa’kin pogi points kung ma-effort ang isang lalaki, ‘yun lang naman ang gusto ng lahat ng babae eh. Ang tratuhin rin silang prinsesa. Ang problema lang sa ibang babae, mas pinapansin nila ‘yung pagpapa-cute ng isang lalaki kaya para sa kanila turn on na ‘yun at nakaka-dagdag pogi points. Pogi ang isang lalaki kapag siya’y matino, loyal, totoo sa sarili, mabait, marespeto, mahal ka, atbp. Mas nakaka-turn on kaya ‘yun. Mas pogi ‘yun…