‘Wag na ‘wag mong sasabihing mahal mo ang isang babae…
- Hangga’t hindi mo ‘to napapatunayan.
- Hangga’t hindi mo kayang panindigan ang mga sinabi mo.
- Kung hindi naman totoo ang mga sinabi mo sa kanya.
- Kung wala ka naman talagang nararamdaman para sa kanya.
- Kung lolokohin mo lang siya.
- Dahil lang trip mong sabihin sa kanya ‘yun.
Maraming lalaking mahilig magsabi ng “Mahal kita” o “Gusto kita” sa isang babae. Oo, biro nga ‘yun at trip mo lang ‘yun. Pero sana dapat alam niyo kung anong maidudulot nito sa nararamdaman naming mga babae. Kahit biro lang, sineseryoso ng babae. At ‘yan ang problema sa ating mga babae. Natural na sa atin ang mag-assume kapag sinabihan tayo ng ganun.
Mahalin mo ang babae, ‘wag kulang, ‘wag sobra. ‘Yung kaya mo lang ibigay. Mahalin mo ang isang babae kapag totoo na ‘yang nararamdaman mo at kung talagang siya ang nilalaman ng puso mo. Kaya kung magmamahal ka man, buong-buo din dapat. ‘Wag masyadong paasahin ang mga babae dahil lang sa pagsabi niyong, “Mahal kita” sakanya. Dahil maaring ‘yun ang maging dahilan niya para masira ang buong mundo niya. Magiging tanga siya’t aasa, masasaktan ng sobra. Hindi biro ang pagsabi ng mga katagang ‘yun, lalaki man o babae. Sabihin mo ‘to kung meron ka ngang pagmamahal… Tandaan: Kahit kailan hindi tamang manakit ng babae. Don’t ever tell a girl you love her unless you really mean it!