Hanggang kailan kaya tayo magta-Tumblr?
Tanong na hindi ko alam ang kasagutan. Lalo na’t lahat halos ng tao nawiwili na dito sa sita na ‘to, mag-blog ka man o puro reblog ng mga pictures na nakikita mo tulad ng mga pagkain, damit, sapatos, iniidolo mong artista, atbp. Hindi na natin maikakaila na lahat ng tao eh alam na ang TUMBLR. Minsan nga, magugulat ka na lang at sasabihan ka ng kaibigan mong, “Uy! Finafollow kita sa Tumblr. Follow ka naman!” o kaya kapag may nakakita sa’yo sa mall, tas mag-llog in ka sa Tumblr, may TA ka na nagsasabing, “Ate/Kuya, nakita kita sa *insert mall here/o kahit saan pa yan here!*” Hindi ba’t nakakatuwa ‘yung ganun? Guro ka man, estudyante, photographer lahat eh nandito na’t nagbblog! Pero eto ang tanong para sa ating lahat… Hanggang kailan kaya tayo nagbblog? Hanggang kailan tayo magta-Tumblr?
Naala ko ‘yung mga sabi niyang, “Nanay? Nagta-Tumblr?” Dahil iniisip niyang baka hanggang sa magka-pamilya ako, nagbblog pa rin ako. Wala namang mali dun diba? Andito lang naman tayo para mag-share ng kung ano-ano na may kaalaman para sa ating mga mambabasa. Lahat naman siguro tayo’y nag-eenjoy dito sa site na ‘to. Dahil kung hindi ka man, nun pa sana eh hindi ka na nagrereblog o blog na kung ano-ano. Hindi ka naaasar sa tuwing mababasa mo ang “We’re sorry!” ng Tumblr. Lalo na’t kapag may mga unfollowers ka. Minsan naman, kahit makatanggap ka lang ng isa o tatlong TA mula sa mga followers mo o kaya naman ay i-follow ka ng mga Tumblr users, eh tuwang-tuwa ka na. Darating rin ang araw na hindi na ako magiging active dito, pero alam ko’t hindi pa ‘yun ngayon. Isa lang ang sinisugurado ko. Hangga’t may Tumblr, hindi mawawala ‘tong blog kong ‘to. Dahil sa Tumblr, may mga nakilala ako’t naging kaibigan rin. Kung hindi dahil sa Tumblr, walang MISSKATRINAROSE…