We’re all afraid to love…
Lahat naman tayo takot magmahal. Minsan nga, hindi natin alam kung pipigilan ba natin ito o itatago na lang. Takot tayong magmahal dahil hindi natin alam kung kailan nga ba ‘to magtatagal sa atin, kung hanggang kailan tayo mamahalin ng taong nagpapasaya sa atin. Kaya takot tayong magmahal kasi ayaw nating masaktan, ayaw maranasan ang hirap at ayaw umiyak. Lahat ng nagpapasakit at nagpapahirap sa atin dulot ng pag-ibig. Minsan nasa atin rin kung bakit tayo takot eh, masyado tayong umaasang sana forever na. Na sa may happy ending sa inyong dalawa. Nakakatakot tayo kung ang relasyon na ‘to eh makakayanan ang lahat kahit may mga problema pang danasin. Ang pag-ibig para sa mga matatapang lang. Para sa mga taong handang harapin ang mga bagay na dulot nito. Kaya kung gusto mong magmahal, alisin mo ‘yang takot na ‘yan, dahil may taong gustong alisin ‘yang takot na ‘yan sa’yo, kaya lang naduduwag ka masyado…
May mga bumabagabag sa atin habang tayo’t nagmamahal, what if isang araw, ma-fall out of love na lang ‘yung tao ‘to sa’yo? What if, tulad ng iba, iiwan ka rin mag-isa? What if, kagaya rin lang siya ng iba na sasaktan ka? Nagaala tayo na baka isang araw, magsawa sila sa atin at mapagod sa kakaintindi. Hindi rin naman kasi natin masasabi diba? Ito lang naman ang mga karaniwan na dahilan kung bakit mas pinipili ng iba na mag-isa na lang kesa magmahal ng sobra. Kaya’t ‘wag na tayong magtaka kung bakit halos lahat ng tao takot ng magmahal ng sobra, dahil iilan sa mundong ‘to, mga manloloko at sinungaling. But if you want to love that person, you have to take the risk. ALISIN ANG TAKOT! Asahan mo na darating din sa puntong may masasaktan at may pagkakataon na ikaw ang mananakit. Kaya kung magmamahal ka man, sa kabila ng takot dyan sa sarili mo, hayaan mo lang na magmahal ka at mahalin ka. Ang masasabi ko lang: Enjoy the feeling while it lasts!