Darating ang panahon…
- Iiyak siya kung papano ka niya pina-iyak noon.
- Mamimiss ka niya kung papano mo siya na-miss noon.
- Kakailanganin ka niya kung papano mo siya kinailangan noon.
- Mamahalin ka niya kung papano mo siya minahal noon.
Pero sa panahon na ‘to, naging matatag at matibay ka na dahil sa sakit na natamo mo. Na-realize mong hindi nga lang naman siya ang tao sa mundo mo para ipagsisikan mo ang sarili mo sa kanya. Ganun naman talaga eh. Kung kailan wala na at tapos na, dun ka aasa. Dun ka hihingi ng isang pagkakataon. Kaya’t nasa huli nga ang pagsisi. What goes around, comes around.
Kaya ‘wag kang mag-alala kung nasasaktan ka man ngayon dahil sa kanya. Minsan, tama ng ipakita sa kanilang hindi sila kawalang sa buhay mo. Hindi rin tamang sobrang effort ang binibigay mo, para naman maramdaman niya at magawa niya ang mga sakripisyo na ginagawa mo sa relasyon niyo. Hindi ka man niya mahal ngayon, mawawala rin ‘yang nararamdaman mong ‘yan para sa kanya lalo na’t nahihirapan ka lang at nasasaktan. Mararanasan rin niya kung papano magmahal ng taong binabalewala lang siya hangga’t andyan pa siya. Darating ang panahon, mamahalin ka na niya, pero sa panahon na ‘to, minamahal mo na ang tamang tao at karapat-dapat sa puso mo…