Most beautiful rose on land...


The little girl in me still wants to be a Disney princess.


i
c
u
K
R

‎’Pag ang babae umayaw, nahihirapan na ‘yan. Pero ‘pag ang lalaki umayaw, maniwala ka may iba na ‘yan.

I had this conversation with my friend about her relationship with her boyfriend dahil sinabi kong inggit ako sa kanila. Everytime na nagbbreak sila, siya lang naman ang nakikipag-hiwalay. Pero makikita mo sa guy na nangungulit pa siya sa kanya. Ilang araw lang, sila na ulit. Nasabi ko ring, “Buti pa kayo.” Then she told me na, “Ako naman ang may problema sa’min. Pero kapag lalaki na talaga ang umayaw, mahirap na.” How I wish na sana naging ganun kami. Kahit na maghiwalay man, magbabalikan pa rin. Kasi kung parehas niyong gusto, maging ganun man ang sitwasyon, magbibigay ka pa ng chances sa taong mahal mo diba? Babalik at babalik parin ‘yung relasyon niyo. Eh kung hindi binigyan ng chance? That means hindi ka na mahal? Dahil kahit papano, kapag may umayaw, may reason ‘yun.

I just don’t get it ‘cause everytime na nag-aask ako sa kanya about this, he keeps on telling me na,

  • "I need space and time. Ikaw rin."
  • "Gusto ko munang maging single."
  • "Ayaw ko munang makipag-relasyon."
  • "Iintindihin ko muna sarili ko. Para walang iniisip na problema."
  • "Ilalaan ko muna sa mga friends ko ‘yung time ko."

At marami pang iba at halos paulit-ulit lang. Ang problema naman sa kanya, mas iniisip niya ang pride niya. He doesn’t give any chances kahit na nangako akong igi-give up ang lahat at gagawin ang lahat para sakanya. Magbabago ako, dahil this time, magagawa ko na. I know nagkamali ako at sobra ko ‘yung pinagsisihan. He doesn’t know how sorry I am for letting him go. Pero dumating sa point na parang may nalalaman ako na may bago ata siya? Not really sure of it, though. Pero naniniwala ako sa kasabihang, “Kapag ang babae nanghinala, kadalasan tama.”

I just realized na tama ng kaka-view ko sa kanya sa Facebook. I know hindi solusyon ang pag-bblock ng isang hamak na ex kung gusto mo siyang makalimutan. Kasi kung gusto mo namang magawa ‘yun, makakaya mo diba? Oh well, mas makakaya ko lalo kung wala na kong connections sa kanya. I blocked him on my Facebook account. And now, I’m blocking him out of my life. I already convinced myself, especially my heart to let the feeling go. Masakit, pero puno na ng bitterness ‘tong puso ko pagdating sa kanya. I admit it, na bitter ako! Kesa naman sa kanya na pinapakitang wala lang, na walang nangyari para lang hindi siya masabihan na hindi siya bitter. Style niya, bulok! Sasabihin niyang friends daw kaming dalawa kapag tinatanong siya kung kamusta kaming dalawa? Damn! We’re not even friends. Friends don’t treat each other that way. Hindi niya ko masisisi, ‘pagkatapos ng nangyaring gan’to, dapat bang maging sweet ako?! HELL NO!

Siya ang nagpatunay na totoo ang kasabihang ‘yan dyan sa title ko! Oo, kaya pala ayaw niya. Mga reasons mong ‘yan? Wow ha. He even told me that we can be friends… What the hell?! Sing-kapal ba ng libro mo ‘yang mukha mo? So yeah, I told him, “Saka na ‘yang friendship mo…” After our conversation, syempre nag-kwento ako sa mga friends ko. They were like, “Seriously? Ganyan pala siya?!” Hindi naman sa sinisiraan ko siya sa iba, pero ganun talaga siya eh. People change, I know. ‘Yun nga lang, he’s worse than ever! He keeps on telling me, “Kung tayo talaga, bandang huli tayo pa rin.” Eh parang ako lang naman may gustong maging ganun eh. Hindi naman mangyayari ‘yung bagay na ‘yun kung isa lang ang nag-eeffort na mabalik ‘yung dati. Nakaka-gago eh no? Oh well, this is the last time I’ll talk about you here. I swear! The last time na masasabi ko ang pangalan mo, last time na sasabihin kita sa mga friends ko. LAHAT! This I know for sure, I hate you now… I-hate-you-so-much!! I won’t wish that karma will hit you, we never know what might happen. Maybe someday, somehow, you’ll experience what I’ve been through. Bye and I really do hope that you’re happy now…

2 years ago | J | 198 notes