Bob Ong tips para mapasagot ang nililigawan mo. (2)
Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo: ‘Para ‘pag nagkabanggaan ang puso natin.’
Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: ‘Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa akin.’
Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: ‘Aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko?’
Pagkatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. Unahan ang kanyang galit at sabihin: ‘Ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng bahay mo, match na tayo.’
Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng ‘salbabida’, ‘wag payong, o mainit na mami. ‘Pag nagtanong kung bakit? Ang isagot mo ay: ‘Ayaw kong malunod ka sa pagmamahal ko.’
‘Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. ‘Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na: ‘Don’t leave your valuables unattended.’