Most beautiful rose on land...


The little girl in me still wants to be a Disney princess.


i
c
u
K
R

We are given the situations we have in life, because we are strong enough to get through them.

Alam ko, wala ng isang pang pagkakataon para sa atin. At hindi ko na ‘yung inaasahan na mangyayari. Na kahit ilang beses man akong humiling at ilang beses man akong magdasal, hindi ka na talaga babalik sa’kin. Sa totoo lang, parang hindi ko pa kayang makita ang sarili ko sa iba. Lalung-lalo na na makita kang minamahal ang iba. Pero alam mo ang magandang nangyari sa’kin mula ng nawala ka? Anong mga aral na natutunan ko dahil dito? Naging matapang ako. Naging malakas ako para harapin ang bagay na ‘to. Hindi ko kailangang tumawa para lang itago ang sakit. Hindi ko kailangang umiyak gabi-gabi ng dahil lang sa’yo. Masasabi kong masaya na ko ngayon. Masaya ako dahil sa wakas, eto tayo, wala ng awayan at bangayan. Hindi na nagtitiisan at hindi na tayo namro-mroblema. Eto tayo, wala ng “TAYO”. 

I never plan that one day, I’d be losing you. Masyado akong umasa sa forever. Umaasa na hanggang sa huli, tayo. Kung maraming namamatay sa maling akala, noon pa patay na ko. Naging masaya tayo diba? Kahit sa sandaling panahon lamang. Kung noon, ikaw ang dahilan kung bakit pagka-gising ko sa umaga, buo na araw ko. Ngayon, eto ako, hinaharap ang bawat araw na wala ka na sa piling ko. Sabi nila, may mga dalawang taong sadyang pinagtagpo, para mahalin ang bawat isa, ‘yun nga lang, hindi habangbuhay. Ang masaklap lang, kabilang tayo sa kanila. Binigyan mo ng kulay ang buhay ko. Pinasaya mo ko. Minahal mo ko at hindi kailanman na niloko. Sabi nila, ang swerte ng lalaking minamahal ko. Ewan ko ba’t asar na asar ako sa taong nagsasabi nito. Kung swerte nga ang lalaking ‘yun, ba’t ako nag-iisa ngayon!?

Darating ang araw, may magmamahal din sa’kin. Sana lang, sobra pa sa pinadama mo. At sana rin, makakita ka pa ng babaeng mamahalin ka ng sobra pa sa ginawa ko. Wala ng luha ang lumabas sa mga mata ko, hindi na ko nalulungkot sa tuwing sumasagi ka sa isip ko. At ang labis na ikatutuwa ko, unti-unti ko ng natatanggap ang mga pangyayaring ito. Unti-unti ko ng nare-realize, kaya ko naman pala ng wala ka. Kaya ko palang ngumiti kahit hindi na ikaw ang dahilan. Maswerte ako sa kaibigan, hindi nila nakakalimutang ipapalala sa’kin: “Kat, stay strong!”

2 years ago | J | 80 notes