Most beautiful rose on land...


The little girl in me still wants to be a Disney princess.


i
c
u
K
R

Dear Future Love,

Here I am, writing about you. About someone I haven’t met yet. Pero kung nagkita man tayo o nagkasalubong na kahit saang terminal o mall ‘yan, bakit hindi ka ma-in love sa’kin? Oh, oo nga pala. Hindi ako nagmamadali. At sa ngayon, hindi pa ko handa. Hindi ko alam kung nasaan ka ngayon. Kung anong ginagawa mo at wala rin akong ideya kung ano itchura mo. Pero gusto kong malaman mo na eto ako, naghihintay sa’yo. Marami mang taong nagsubok mahalin ako, marami mang tao ang dumaan sa buhay ko, pinasaya man nila ako kahit sa kaunting panahon at nasaktan man nila ako, eto pa rin ako handang magmahal at inaantay ka sa pagdating mo. Habang sinusulat ko ‘to, iniisip ko anong klaseng tao ka ba. Para akong nag-iimagine ng taong hindi ko pa nakikita. Dream boy, kumabaga.

Hindi ako nagmamadali, natutuwa lang ako dahil masyado akong nasasabik sa’yo. Gusto ko ng maranasan na mayroong taong yayakapin ako sa tuwing nalulungkot ako. ‘Yung taong sasabihan akong, “Kung hindi kita nakilala, hindi ako magiging masaya ng gan’to.” ‘Yung taong ipaparamdam sa’kin na napaka-espesyal ko. Gusto kong maranasan maging masaya ulit. ‘Yung sobrang saya ba? Ipapakilala kita sa mga taong malalapit sa’kin. At gusto kong mahalin mo rin sila tulad ng pagmamahal ko sa kanila, sila ang mga kaibigan ko, mga pamilya ko. Makakaasa kang ganun rin ang pagtrato ko sa mga taong malalapit sa buhay mo. Marami na kong pinagdaanan, naging masaya ako kahit papano at marami na ring natutunan. Alam ko magiging masaya ako sa’yo, magiging masaya tayo. Hindi ko nga lang maipapangakong magiging okay tayo, andyan ang problema, mag-aaway tayo. Pero kahit ganun, walang susuko ha? Ayaw ko na ng naiiwanan… ‘Yung tipong mahal na mahal mo pa, tas bigla kang iiwan. Nakakapagod na ‘yung ganun eh. Ilang beses na ring umiyak sa walang kwentang dahilan. Pero kahit ganun, hindi ko pa rin masasabi sa sarili kong hindi na ko magmamahal. Kailangan pa kitang mahalin. Forever? Hindi ko na nga rin alam kung totoo ‘yun eh. Pero ang tanging alam ko, kapag minamahal kita… Sobra-sobra. Masaktan man kita, patawarin mo ako. Kung nasaan ka man ngayon, mag-iingat ka. Ipagtatagpo pa tayo eh. Mamahalin pa natin ang isa’t-isa diba? 

Nga pala, magpapakilala pala ako. Ako ‘yung babaeng mamahalin mo. Maraming kaartehan, simple lang, mabait naman ako eh. Makulit nga lang. Kaya sana matanggap mo kung ano at sino ako. Si God na bahala sa ‘tin, love at first sight man ‘yan o nagka-banggaan man tayo habang naglalakad sa over-pass. Ang tanging alam ko lang, kapag nakilala kita, ayan ang puso ko… Binibigay ko sa’yo. Now, I’m writing this. I have no idea who you are or where you are in this world and when we’ll goin’ to meet. But I’m sure with this: We’ll find each other together… Someday. Hindi man ikaw ‘yung first love ko, hinihiling ko na sana ikaw na ang one true love ko. Kapag natagpuan na kita, pinapangako ko sa’yong ipapabasa ko ‘to sa’yo… 

Your future love,

Katrina Rose

2 years ago | J | 124 notes